NASA ospital ngayon ang bilyonaryong si Lucio Tan dahil sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Vivienne Tan nitong Sabado ng gabi, Abril 17.
“He is in stable condition, responding well, and recovering,” ayon kay Vivienne sa kanyang Instagram post.
“We would like to request for some privacy at this time. Please continue to pray for his speedy recovery. Thank you.”
Si Tan, 86, ang chairman at chief executive officer ng LT Group, MacroAsia Corporation at PAL Holdings, ang parent company ng flag carrier na Philippine Airlines.
Nakaupo rin bilang mga director ng Philippine National Bank ang tycoon, kasama ang kanyang asawa na si Carmen at mga anak na sina Viviene at Micheal.
Si Tan ang itinuturing na pinakamayaman na Filipino na may net worth na $3.3 bilyon (P159 bilyon), ayon sa 2021 Forbes ranking.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY