CLARK FREEPORT – Nagsagawa ang regional office ng Land Transportation Office (LTO) sa pakikipagtulungan ng Clark Development Corporation (CDC) ng limang araw na caravan na tinatawag na “LTO on Wheels” upang maging accessible ang kanilang serbisyo sa locators, mga manggagawa, residente, kabilang ang mga Aeta community na malapit sa Freeport.
Ginaganap ang naturang aktibidad sa CDC – Public Safety Division (PSD) Pavilion na sinimulan nitong Agosto 2, 2021 at matatapos sa Agosto 6, 2021.
Maaring bisitahin ng mga interesadong indibidwal ang naturang lugar mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sa pamamagitan ng LTO on Wheels, magiging mas accessible at mabilis nang makapag-a-apply ang mga motorista sa mga serbisyo tulad ng pagkuha ng student permit, magpapa-renew driver’s license at motor vehicle registration.
Ayon sa CDC-PSD, itong pakikipag-partnership sa LTO sa rehiyon, na pinamumunuan ni Regional Director Eduardo De Guzman, ay bahagi ng kanilang Traffic Management program.
Layon nito na makapagbigay ng kaginahawaan sa lahat ng mga empleyado, residente, locator, lalo na sa mga Indigenous People (IP’s) sa Freeport na ito na nais magkaroon ng lisensiya at makakuha ng serbisyo mula sa LTO.
Patuloy sa paglikha ang CDC-PSD officers ng mga inisyatibo na titiyak sa kaligtasan ng mga driver at motorista sa loob ng zone.
Samantala, pinasalamatan ni CDC President-CEO Manuel R. Gaerlan si de Guzman — na personal na binisita noong Martes ang caravan — mga opisyal at empleyado ng LTO sa Central Luzon para ilapit ang kanilang serbisyo sa publiko at para makaiwas sa abala sa pamamagitan ng kanilang “LTO on Wheels” program.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE