LUMAGDA ang Land Transportation Office (LTO) at National Labor Relations Commission (NLRC) sa isang kasunduan na naglalayong magtatag ng malakas na koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensiya kaugnay sa labor-related legal proceedings at hatol na may kinalaman sa motor vehicles.
Pinangunahan nina LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II at NLRC Chairperson Grace Maniquiz-Tan ang paglagda sa kasunduan sa isang seremonya na ginanap nitong Martes, Nobyembre 26, sa NLRC office sa Ben-Lor Building sa Quezon City.
Ayon kay Asec. Mendoza, mahalaga ang agreement para sa mas maayos na koordinasyon at enforcement sa mga desisyon ng NLRC na may kaugnayan sa land transportation.
“This agreement provides the necessary guidelines and proper coordination to ensure the effective enforcement and implementation of the final orders, resolutions, decisions and other processes issued by the NLRC relating to rules and regulations on land transportation,” ayon kay Aseec Mendoza sa kanyang talumpati.
Sa ilalim ng kasunduan, makikipagugnayan na ang NLRC sa LTO para maberipika ang anumang sasakyang de-motor na nakarehistro, sa anumang kapasidad, sa pangalan ng mga may utang sa hatol.
Samantala, ang LTO ay inaatasan na agarang umaksyon sa kahilingan ng beripikasyon na inihain ng sinumang Sheriff ng NLRC o itinalagang tauhan hinggil sa anumang sasakyang de-motor na nakarehistro sa pangalan ng mga may utang sa hatol, alinsunod sa mga writ of execution na inilabas ng sinumang Komisyoner o Labor Arbiter ng NLRC.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust