December 22, 2024

LTO naglabas ng 25 SCOs vs truck owners na may luma at sira-sirang gulong

Nag;abas ang :and Transporation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa 24 registered owners ng truck sa gitna ng pinaigting na kampanya upang upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng trak na gumagamit ng kalsada sa buong bansa.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ang paglabas ng SCO ay nagmula sa mga operasyon ng mga enforcer ng ahensiya na natuklasang lahat ng 24 na trak ay gumagamit ng mga luma at sira-sirang gulong.

“We observed that there has been an utter disregard to the road safety by some erring truck owners. In our aggressive campaign, some of the common violations are worn-out tires which are really dangerous not only to the truck drivers but also to other road users,” ayon kay Mendoza.

“We will not allow these erring truck owners to disregard the traffic rules and regulations. The instruction of our DOTr Secretary Jaime J. Bautista is very clear, to make the roads safe for all users and our aggressive campaign against trucks with questionable road worthiness is part of it,” dagdag pa nito.

Sa SCO na nilagdaan ni LTO-Law Enforcement Service director Eduardo de Guzman, inutusan ang lahat ng nakarehistrong may-ari ng nahuling mga trak na dalhin ang mga trak sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO para road worthiness inspection.

Ang mga nakarehistrong may-ari ay inatasan din na magsumite ng nakasulat at notarized na paliwanag kung bakit hindi sila dapat singilin sa paglabag sa Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code dahil sa pagkakaroon ng mga luma at sira-sirang gulong.

Sinabi ni Assec Mendoza na lahat ng mga trak na binigyan ng SCO ay inilagay sa ilalim ng alarma habang hinihintay ang pagsunod sa utos para sa motor vehicle inspection.

Una nang ipinag-utos ng opisyal sa LTO enforcer na higit pang palakasin ang kampanya laban sa mga trak na lumalabag sa mga patakaran at regulasyon para sa kaligtasan sa kalsada kasunod ng nakamamatay na insidente sa Katipunan flyover na ikinasawi ng apat na tao at ikinasugat ng mahigit 20 iba pang motorista.