November 21, 2024

LTO NAGHAHANDA PARA SA HULIHAN NG MGA COLORUM

INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na kanilang palalawakin at magbubukas ng mga bagong impounding facilities dahil kanilang paiigtingin ang panghuhuli labansa mga kolorum na sasakyan, kabilang ang mga hindi nakapag-consolidate na jeep na ituturing ng colorum sa Pebrero 1.

Nilinaw ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na hindi lamang mga unconsolidated jeepney ang kanilang huhulihin, kundi maging ang lahat ng hindi nakarehistrong pampubliko at pribadong sasakyan sa bansa.

Ayon pa kay Mendoza, hindi awtomatikong nangangahulugan na hindi nakarehistro ang uncosolidate na PUJ, subalit huhulihin pa rin sila dahil sa pagiging colorum.

“Tuloy-tuloy po ‘yung programa ng LTO. Last year pa po ‘to, ‘yung unregistered motor vehicles, and we have to apply equally to all,” ayon kay Mendoza.

“We will implement the law as worded, kung hindi kami naman po ang mababalikan bakit sila hindi hinuhuli, bakit ‘yung iba ay hinuhuli naman namin,” dagdag niya. “Kung wala na siyang prangkisa, colorum na siya…not as unregistered, hindi lang multa yun, merong criminal liability yan.”

“We filed criminal cases against colorum operators at ang multa P3 million po ‘yan, so impounded po ‘yan,” ani Mendoza.

Ayon kay Mendoza, plano nila na magbukas ng mga bagong impounding areas para sa mga mahuhuling sasakyan.

“Meron tayong bubuksan na impounding area sa Carmona (Cavite), meron tayong bubuksan na dalawang ektaryang impounding area dito sa MOA [Mall of Asia] area. Meron tayong bubuksan na impounding area dito sa Lipa (Batangas) San Pablo at San Pedro (Laguna). Tingin namin, sapat na yun…sana hindi mapuno sana mag-rehistro na lang po ng sasakyan. Yung mga nagrereklamo sa modernization, subukan lang nila, wala namang mawawala kung subukan nila,” dagdag ni Mendoza.