
Kinumpirma ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na matatapos na ang problema sa backlog sa plaka na matagal nang idinadaing ng milyong-milyong kliyente ng ahensiya simula pa noong 2014.
Ayon sa kanya, ang backlog sa mga plaka ng motorsiklo ay inaasahang malulutas sa loob ng taong ito.
Nagpahayag ng pasasalamat si Asec Mendoza kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon dahil sa kanyang pangako ng malakas na suporta sa LTO.
Ito ay bilang tugon sa hamon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na gawing mas madali ang buhay para sa milyun-milyong drayber ng Pilipinas.
“Since Day One of his assumption in the top DOTr post, we have been in constant coordination with Secretary Dizon in presenting all the challenges and solutions on all the challenges that we are facing now,” saad ni Mendoza.
“We are thankful that our Secretary has been very supportive and even shared his valuable insights and inputs in further improving our services to the Filipino people,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Asec Mendoza, epektibong naresolba ang pangunahing problema sa suplay ng mga plastic card na ginagamit para sa pag-imprenta ng driver’s license at ang special paper para sa Official Receipt/Certificate of Registration.
Ang magandang balita rito, naresolba na ang backlog sa plaka ng four-wheel vehicles at unti-unti na ring nalulutas ng LTO ang backlog para sa mga motorsiklo.
Nangako si Dizon na gawing mas madali at komportable ang karanasan ng pagmamaneho ng mga motorista at komuter. Una sa kanyang mga plano ay ang paglutas sa problema sa backlog ng mga plaka ng sasakyan at pagtiyak na sapat ang mga supply system para sa mga pangunahing serbisyo ng LTO.
“It’s already 2025, we have good technology so there is no more reason for delay. We will focus more on the basic services of the LTO to the people,” saad ni Secretary Dizon.
“And Asec Vigor has taken up the challenge and will work towards that na finally within the term of President (Marcos), we will say good bye to all the problems of the past and we will move forward with better services. But we have to start with the basics,” dagdag niya.
More Stories
Double pay para sa private sector workers sa Eid’l Fitr
TIWALA NG MGA PINOY KAY PBBM BUMAGSAK
3 sugatan… NEGOSYANTE NA NAMARIL DAHIL SA AWAY-TRAPIKO SA ANTIPOLO, KALABOSO