November 20, 2024

LTO: CRACKDOWN VS OVERLOADED NA TRUCK, TRAILER

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang lahat ng regional directors nito na mahigpit na ipatupad ang crackdown sa mga overloaded na truck at trailers.

Para kay Mendoza, hindi biro ang banta ang mga overloaded na trak at trailer na kung minsan aniya’y nagreresulta sa mga nakamamatay na aksidente sa kalsada.

Inilabas ni Mendoza ang direktiba matapos makapagtala ng mataas na bilang ng mga nasawi bunsod ng aksidenteng kinasangkutan ng mga overloaded trucks at trailers sa mga national highway.

“Based on the complaints that we have been receiving, overloaded trucks also contribute to road and bridge damage which eventually result in additional expenses for the national government for repairs,” pahayag ni Mendoza.

“We need to seriously run after them because more than the damage to roads and bridges, they also threaten the safety of all road users,” giit niya.

Aniya, ang overloading ay isa sa mga pangunahing paglabag sa nakalipas na ilang taon.

Noong 2023, nakapagtala ang LTO ng humigit-kumulang P42.7 milyong mula sa overloading ng mga motor vehicles.

Ang mahigpit na pagpapatupad mula noong Agosto ng nakaraang taon ay nagresulta sa pagbaba ng mga paglabag ng 12.8% kumpara sa datos noong 2022.