December 28, 2024

LTO: 4M DRIVER’S LICENSE CARDS, INIHAHANDA NA PARA 2024

INIHAHANDA na ng Land and Transportation Office (LTO) ang aabot sa 4 milyon na plastic driver’s license cards para ipamahagi sa 2024.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza, sapat na ang naturang bilang ng ID cards upang mabura ang kasalukuyang backlog.

“So we’ll make the announcement tomorrow or by Monday. ‘Yung mga magre-renew, and maaasahan nila ‘di na papel. We are back on track as long as plastic cards are concerned,” saad niya.

Kada taon, anim at kalahating milyong bagong lisensiya ang iniisyu ng LTO.

Sinabi rin ng LTO na agaran din ang pag-iisyu ng show cause order laban sa car dealership o regional LTO offices na magbabagal sa pagproseso ng plaka. “Nandyan na yung mga plaka e, advanced tayo e. Repositioning na tayo sa mga regions, so there’s no reason why na hindi dapat lumabas ang plaka kagad,” sabi ni Mendoza.