UMAKYAT na sa 14 na locally stranded individuals (LSIs) na nasa Rizal Memorial Complex sa Maynila ang nagpostibo sa COVID-19 rapid test.
Ito ang kinumpirma ni Hatid Tulong Program lead convenor at Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo.
Nanatili ang mga pasyente sa quarantine area sa CPP Complex.
Isinasailalim din sa rapid test ang mga stranded individual.
Kapag nagnegatibo, saka pa lang dederetso ang indibiduwal sa pulisya para sa pagproseso ng travel authority.
Isasailalim naman sa confirmatory o swab test ang mga magpopositibo at mananatili muna sa quarantine facility habang naghihintay ng resulta.
Samantala, sa sobrang siksikan, isang lalaki ang hinimatay at dinala sa Ospital ng Maynila kahapon ng umaga.
May isang taong gulang na bata ring dinala sa pagamutan nang lagnatin matapos umanong maambunan noong Sabado.
Sa unang araw ng Hatid Tulong program noong Sabado, aabot sa 1,900 stranded indibiduwal ang napauwi sa 3 rehiyon sa Mindanao.
Target namang mapauwi ngayong linggo ang nasa 2,400 pang taga-Mindanao at higit 2,000 taga-Luzon at Visayas, karamihan ay taga-Samar at Leyte.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE