November 3, 2024

LRT; ‘NO VACCINE, NO RIDE’ TAMA BA O HINDI TAMA?

Maiipit sa alanganin si Juan De La Cruz dahil sa pagpapatupad ng alintuntunin. Ito ngayon ang bago, ang ‘ no full vaccination (card), no ride’ sa Metro Manila. Lumarga na nga ito sa ilang pampublikong sasakyan sa pagkasa ng DOTr. Kabilang na ang Light Rail Transit (LRT).


Habang sinusulat ito, marahil ay nag-iisip na rin ang iba na ipatupad ito. Gayunman, may bahid aniya ng discriminaton ito sa mga pasaherong hindi vaccinated. Timbangin nating mabuti ang senaryo at sitwasyon. Tama ba ito o hindi tama?


Alin ba ang mas makabubuti? Ang kapakanan ng ilan o kapakanan ng mayorya? Hindi dapat maging balat sibuyas ang ilan. Sa gayun ay maiwasan ang hawaan ng virus.


Kung welcome lahat sa pampublikong sasakyan, mababalewala ang social distancing. Mabusisi rin kung maglalatag ng kinauukulan ng sasakyan para sa di bakunado. Pero, mainam itong ipatupad kahit mahirap. Makabubuti ring manatili sa kabahayan kung wala namang mahalagang lakad.


Sa muling pagpalo ng kaso ng virus sahil sa Omicron variant, dapat tayong maging responsable. Maging maingat hindi lamang para sa ating sarili. Kundi, maging sa kapakanan ng iba.