November 19, 2024

LRT, MRT, PNR MAGBIBIGAY NG LIBRENG SAKAY SA GOV’T WORKERS

May libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno sa tatlong pangunahing railway systems services sa Lunes, Setyembre 19, 2022, ayon sa Department of Transportation (DOTr) ngayong Sabado.

Sa kanilang anunsiyo sa Facebook, sinabi ng DOTr na ang mga train rides sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2) at Philippine National Railways (PNR) ay libre sa lahat ng state workers sa Lunes.

Ayon sa DOTr, ang alok na libreng sakay para sa mga government workers ay kasabay ng isang buwang pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary bilang bahagi ng “Treats to Government Workers” ng Civil Service Commission (CSC).

“The free rides offered to our government workers in our major rail lines is the DOTr’s way of honoring them. These civil servants give important contribution and perform indispensable role [in] nation building,” pahayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

Ang free rides ay maaaring ma-avail ng mga kawani ng gobyerno sa MRT3 at LRT2 mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi lamang.

Habang ang PNR ay magbibigay ng libreng sakay para sa mga empleyado ng gobyerno ng buong araw, mula sa first trip hanggang sa last trip sa lahat ng operational routes, na subject sa availability naman ng kanilang mga trainsets.

Kailangan na magprisinta ng mga government workers ng kanilang IDs bilang patunay ng kanilang employment sa anumang mga ahensiya ng gobyerno, mga opisina, at mga instrumentalities para maka-avail ng mga free rides, ayon pa sa DOTr.