Bubuksan ang Marikina at Antipolo stations ng LRT-2 East Extension sa June 22, ayon kay Transport Sec. Arthur Tugade.

Kapag fully operational na, inaasahan na 40 minuto na lamang ang biyahe mula Recto sa Maynila patungong Antipolo sa Rizal kumpara sa dating tatlong oras o mahigit pa na biyahe kung sasakay ng jeep o bus.
Pinangunahan ni Tugade ang inspection at trial run mula Santolan papuntang Antipolo stations bilang paghahanda sa inagurasyon nito.
Dapat nitong Abril pa bubuksan ang dalawang easternmost stations pero inilipat ito sa Hunyo dahil sa COVID-19 restrictions.
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification