
Simula nitong Linggo (August 20), pinalitan na nang Fernando Poe, Jr. (FPJ) Avenue Station ang Roosevelt Station ng LRT-1 sa EDSA, QC matapos itong pasinayaan nina Senadora Grace Poe, Supremo Senador Lito Lapid, Former Senate President Tito Sotto III, Cong. Arjo Atayde at Direk Coco Martin ng Batang Quiapo.
Si Senador Lapid ang awtor at si Senador Sotto ang nag-sponsor ng FPJ avenue law o ang Republic Act No. 11608.
Sa ambush interview, sinabi ni Lapid na hindi nya matatawaran ang naiambag ni FPJ sa industriya ng pelikula at sa bansa.
Binanggit ni Lapid na ang kanyang ama ay stuntman noon ni FPJ hanggang sa kunin syang stuntman na rin ni Da King.
Palaging sinasabi ng Senador na “walang Senador Lapid kung walang FPJ na nag-aruga at nagbigay break sa kanyang karera sa showbiz.
More Stories
CURLEE DISCAYA: ‘₱9.6 bilyon ang pondo, pero Pasig ba talaga ang makikinabang?’
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian