Inaasahang tataas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa pagsisimula ng bagong taon dahil sa pagtaas ng presyo ng shipping at resulta ng political tension sa Red Sea.
Ayon kay Regasco President Arnel Ty, walang paggalaw ng presyo sa contract price ng LPG simula Enero 1, 2024 at ipinaalam ng mga shipping firm sa mga consumer sa Pilipinas na magkakaroon ng karagdagang bayad na $60 kada metriko tonelada.
Ito ay kasunod ng mga problema sa Panama at Suez Canals na nagresulta sa pagbawas ng biyahe ng mga barko at pagtaas ng konsumo ng gasolina sa pamamagitan ng pagkuha ng mahabang ruta.
Ayon kay Ty, ang sitwasyon sa Red Sea ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng shipping fee. May pagtaas ng P3.50 kada kilo o P38.50 kada 11-kilogram na tangke.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA