December 25, 2024

LP: LISTAHAN NG MGA MANDARAMBONG, PANLILIHIS NI DUTERTE

NANINIWALA ang Liberal Party (LP) na isa lamang diversionary tactic ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasambulat nito ng mga pangalan ng mga kongresista na sangkot umano sa korapsyon.

Sa binasang listahan ni Duterte sa kanyang weekly address noong Lunes, kabilang sa pinangalanan ng pangulo ay sina LP members Occidental Mindoro Representative Josephine Sato, former Ifugao Representative Teodoro Baguilat Jr., at Northern Samar Representative Paul Daza.

Isiniwalat ng pangulo na mayroong ghost prokect si Sato, habang si Baguilat ay tumanggap ng kickback mula sa mga contractor, at mismong si Daza raw umano ang pumili ng winning biiders para sa proyekto ng kanyang distrito.

Pinabulaanan naman ng tatlo ang alegasyon ng Pangulo.

“Di totoo na tumatanggap ako ng kickbacks. Yung SALN ko nung Congressman ako na always available sa public and media, parang Philippine economy, di malaki improvement,”  saad ni Baguilat.

“Sino kaya ang ayaw magbunyag ng SALN niya at nag-promote pa ng mga hinalaan na nagpalusot ng shabu smuggling?”  dagdag pa niya.

Habang nais naman ni Sato ang isang imbestigasyon para sa mga proyekto sa kaniyang lalawigan matapos siyang pangalanan ni Duterte.

“The President’s accusation is without any basis and grossly unfair! There are no ghost projects in my province and I am not involved in any corruptions in any government project! I invite them to investigate all the projects in my province!” pagdedeklara niya.

“The President himself said names to be read may not have any evidence,” saad pa niya.

“I’m 100% sure this was the handiwork of my local political opponents to feed [the] wrong libelous info to the PACC. In fact the records will show that it’s the reverse as we have been the ones complaining of anomalous projects in my district as early as 2016 perpetrated by former elected officials and certain contractors.”

Isinisisi rin ni Daza ang pagkakasama ng kanyang pangalan sa listahan sa kanyang mga kalaban sa politika.

“A quick online search and on YouTube will show many documented anomalies  pointing to ex-congressman Boy Abayon and his cohorts. I’m sure that group who we exposed locally for the last few years were the ones behind the hatchet job and they pulled a fast one on the President,” saad niya.

Iginiit naman ng Liberal Party kay Pangulong Duterte na mag-pokus sa malawakang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation, pang-aabuso ng pulisya, at ang coronavirus pandemic.

“Lahat ng ito, may malinaw na dahilan para imbestigahan. Ito dapat ang pagtuonang pansin at enerhiya ng administrasyon, kaysa ang mag-imbento ng listahan ng paratang laban sa mga itinuturing nilang kalaban sa pulitika,”  saad ng LP.