
Oy buhay pa rin pala!
Sa tagal ko nang nagbabasa at nagko-kolum sa diyaryo, ‘e lagi kong nababasa ang pangalan nitong si BONG SOLA.
‘Yun bang TAGAL ng panahon na tipong kung ang isang pulis ay patrolman pa lang noon ngayon ay KERNEL na siya at bukas makalawa ‘e magiging GENERAL na siya.
Ibig natin sabihin, ganyan katagal ang operasyon ng LOTTENG ni BONG SOLA sa lalawigan ng Rizal na hanggang ngayon ay patuloy na namamayagpag.
FYI, milyones ang kobransa sa lalawigan sa Rizal ng operasyon ni BONG SOLA.
Bukod pa rito ang STL con JUETENG, BOOKIES ni alyas JOHN YAP.
Aba, PRO4A Regional Director, PBGen Edward E Carranza, akala ko ba ‘e meron kayong ONE-STRIKE POLICY laban sa mga illegalistang 1602?
‘E bakit mukang walang-wala lang kay Rizal PNP Provincial director Col. Felipe Maraggun?
Panay ang PAPOGI at pa-PRESS RELEASE ninyo COL. MARAGGUN na pirming ang dami ninyong huli sa area of responsibility (AOR) mo pero BUHAY na BUHAY naman ang LOTTENG ni BONG SOLA at STL con JUETENG, BOOKIES ni alyas John Yap.
PNP chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil Sir, mukhang “malambot” ang TENG-LO one- strike policy mo?
Plantsado na ba lahat, sir?
***
Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa [email protected].
More Stories
Sen. Cynthia Villar, pinangunahan ang inagurasyon ng Villar School of Performing Arts
ASEC MENDOZA PINURI ANG NAGING HATOL SA 6 FIXERS SA CAGAYAN
CAAP, FAA PINALAKAS ANG KOOPERASYON VS ILLEGAL CHARTER FLIGHTS