Nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Raphael Lotilla bilang Kalihim ng Department of Energy.
Mapapanood sa video mula sa Radio Television Malacañang ang panunumpa ni Lotilla kay Marcos sa isang simpleng seremonya sa Palasyo.
Nagsilbi si Lotilla bilang DOE chief mula 2005 hanggang 2007 sa panahon ng administrastyong Arroyo.
Siya ay presidente ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. at Deputy Director General ng National Economic Development Authority.
Nakuha ng naturang kalihim, na isa ring law professor ng University of the Philippines, ang kanyang Masters of Laws mula sa University of Michigan Law School sa Ann Arbor, Michigan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA