Nakopo ng Los Angeles Rams ang kampeonato sa Super Bowl 56 sa pagsuwag sa Cincinnati Bengals, 23-20. Naging bida sa panalo ng Rams sina Cooper Kupp at Aaron Donald.
Ito rin ang first championship title ng Rams sa nakalipas na 22 taon. Sa umpisa ay nangapa ang LA sa opensa. Dikit lamang ang score mula 1st hanggang 2nd quarter. Ito’y dahil sa nagtamo ng injury sa left knee ang wide receiver na si Odell Beckman Jr.
Mula doon ay lumamya ang offense ng Rams sa 3rd quarter. Kung saan, nagtapos sila na may 43 yards on 23 carries. Kumana lamang ang Rams ng 3 points kumpara sa Bengals na 10 sa 3rd.
Gayunman, nakabalik sa porma matapos ang go-ahead touchdown ni Kupp.
Nagawa niya ito nang mahablot ang bola kay Matthew Stafford. May 1:25 minuto na lang ang nalalabi sa 4rth quarter. nagtapos si Kupp ng 8 catches sa 92 yards at 2 scores. Lumagare naman sa depensa si Donald na nanguna sa pagsalya kay Joe Burrow ng Bengals. Mga 7 sacked sa kabuuan.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!