TINALO ng Dallas Mavericks ang Los Angeles Lakers sa kanilang sariling homecourt sa Crypto.Com. Arena, Los Angeles, California USA.
Natapos ang laban sa score na 107-104.
1st half pa lang ng season, 21 na ang lead ng Dallas Mavericks laban sa Lakers, pero pagpasok ng 3rd quarter, binawasan ng home team ng apat na puntos ang lead ng winning team.
Pag-abot sa 4th quarter, nilimitahan ng Lakers ang kalaban sa 30-13, ngunit naubusan ng oras at nanalo ang Mavericks.
Pinangunahan ng Dallas superstars na sina Luka Doncic at Kyrie Irving ang koponan na may 58 pinagsamang puntos at 18 rebounds.
Samantala, sina LeBron James at Anthony Davis ay mayroon lamang 36 na pinagsamang puntos at 22 rebounds para sa Lakers.
Ang Dallas Mavericks ay kasalukuyang nasa ikaapat na team standing sa West na may 10 panalo at 5 talo, habang ang Los Angeles Lakers ay ikapito sa nabanggit na kumperensya. RON TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA