December 25, 2024

LOS ANGELES LAKERS MINORITY OWNER, IBINEBENTA ANG 27 PERCENT SHARE SA ISANG MBL BASEBALL TEAM OWNERS

Ibinebenta ni Los Angeles Lakers minority owner na si Philip Anschutz ang 27 percent share nito sa team. Ang bibili naman ng share ay sina Mark Walter at Todd Boehly ng Los Angeles Dodgers. Ang Dodgers ay isang team sa Major Baseball League (MBL)

Gayunman, hindi pa inaprubahan ng board of governors ang deal. Kung maikakasa, makaaapekto ito sa 66 percent majorit stake ng Buss family.

Mananatili pa ring team governor si Jeanie Buss. Dalawang bagay lamang ang makaaapekto ito sa Lakers. Una, sa kanilang arena. Si Anschutz ang may-ari ng Staples Center hanggang 2041.

Ikalwa ang posibilidad na ibenta ang franchise at mauuwi ang malaking porsiyento kay Anschutz. Siya rin ang may-ari ng team na Los Angeles Kings at LA Galaxy.

Ayon naman kay AEG CEO Dan Beckerman sa Sportico, ang deal at bahagi ng financial planning at redeployment ng kapital. Na ilalaan sa AEG projects at growth iniatives.

The goal is “expanding business lines and geography,“ani Berkerman.