January 23, 2025

LOS ANGELES LAKERS, MAKAPAPASOK PA KAYA SA PLAYOFFS?

Anyare sa Los Angeles Lakers? ‘Yan ang tanong ng mga basketball fans ngayon. Sa kabila kasi na may ilang star players ng team, nangangapa pa rin sila ngayong season. Katunayan, pangsiyam sila sa standing sa Western Conference na 24-27.


Ano ba ang ginagawa nina Carmelo Anthony, Russell Westbrook at Dwight Howard? na ang mga nabanggit ay mga star player. Idagdag pa sina Anthony Davis at LeBron James.
Ma pag-asa pa raw bang makapasok sila sa playoffs? Well, sa tingin ko, posible pa. Basta, ayusin lang nila ang dapat ayusin.


Kung panonoorin nyo ang kanilang laro, kulang sila sila sa depensa. Hindi rin accurate ang kanilang shooting. Ayon sa statistics, ang Lakers ang may pinaka-oldest age na rosters sa team. Na may 30 years old average. Isa pa, prone sa injury ang iba at natatakot na lumama. Gaya na lamang ni Davis. Na sa halip na sumalaksak, e tumitira sa labas.


Hindi rin akma ang kanilang chemistry sa laro. Hindi nakabuti ang ‘small ball’ strategy ng team.
Mainam siguro na isama sa first five ang legitimate center gaya nina DeAndre Jordan at Howard. Tapos, si Davis, James, Monk at Westbrook.


Ikamada ang magandang pasahan ng bola at basketball IQ sa laro. Kung magtutulungan lamang sila, makaaahon pa ang Lakers.


May ilan pang nalalabing laro sa season. Kung makakatarak sila ng 40 wins, posible pa. Kung hindi, baka pahirapan pa sila sa play-in. na ang posibleng makabangga ay Timberwolves, Clippers o Blazers.