Interesado ang Los Angeles Lakers na malambat ang dalawang matikas na players. Sa gayun ay makamada sa line-up nila sa 2021-22 NBA season.
Kabilang rito si Derrick Rose ng New York Knicks at Myles Turner ng Indiana Pacers. Si Rose ay nilambat ng Knicks sa Detroit Pistons, may 35 games remaining na lang sa season.
Sa New York ay muli niyang nakasama ang dating head coach sa Chicago Bulls na si Tim Thibodeau. Naging maganda ang laro ng Knicks. Kung kaya, nakapuwesto sila sa no. 4 seed sa Eastern Conference.
Gayunman, nalaglag sa first round ng playoffs Round 1, 4-1 sa Atlanta Hawks. Mapapaso na ang kontrata ni Rose sa Knicks. Kaya, interesado sa kanya ang Lakers.
Ngunit, may balak ang New York na panatilihin sa team ang 32-anyos na former NBA MVP.
“He was a perfect fit and Tom Thibodeau would like to keep him on the roster.”
“However, there will be plenty of other suitors, including the Lakers, who will be looking for a new point guard with Dennis Schroder leaving town. L.A. is a serious threat to land Rose,” ayon kay Anthony Tamador ng Game 7.
Ipapain ng Lakers si Dennis Schroder para sa isang trade kung sakali. Sa gayun ay makuha ang serbisyo ni Rose.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!