Nakatakas ang Los Angeles Lakers sa nakaambang paglapa ng Minnesota Timberwolves sa Crypto Arena. Sa halip, nabitag nila ang short-handed na team at nilunod, 108-103.
Bumira sa team si LeBron James na nagtala ng 26 points, 7 boards at 6 assists. Nag-ambag naman si Malik Monk ng 22 points at 2 blocks. Habang ai Russell Westbrook naman ay kumana ng 20 points, 3 boards at 5 assists.
Gumana naman sa Minnesota si Naz Reid ng 23 points, 9 boards at 2 assists. Lumagare naman si Anthony Edwards ng 18 points at 7 rebounds.
Dikitan ang laro sa 1st hanggang kalahatian ng 4th quarter. Hanggang sa bumalikwas ang Lakers. Pero, nahabol ito ng Timberwolves at naibaba ang lamang sa 99-98 at 103-100. Pero, gumana ang depensa at mataas na IQ ng laro ng Lakers. Malaki ang naibuslo nila sa free throws at threes. Lalo na ang ginawa nina Carmelo Anthony at ni Monk.
Sa kanilang head-to-head match up ngayong season, lamang ang Wolves sa 2-1 kartada.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2