
Bumuwelta ang Los Angeles Clippers kontra Utah Jazz sa Game 3 ng NBA playoffs West semifinals. Sinira ng Clippers ang ritmo ng Jazz, 132-106 at inirekta ang series sa 2-1.
Nanguna sa panalo ng Clippers si Kawhi Leonard at Paul George na mayroong 65 points combination. Gumawa si Leonard ng 34 points, 12 boards at 5 assists.
Habang si George naman ay kumana ng 31 points, 3 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si Nicolas Batum ng 17 points at 7 rebounds. Tumikada naman si Reggie Jackson ng 17 points at 3 assists.
Sa panig naman ng Utah, gumawa si Donovan Mitchell ng 30 points, 5 boads at 4 assists. Si Joe Ingles naman ay bumuslo ng 19 points, 4 boards at 2 assists.
Isasagawa ang Game 4 sa balwarte ng Clippers sa Staples Center sa Martes ( Manila Time).
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT