
Hindi pumayag ang Los Angeles Clippers na mabaon pa sila sa 0-3 deficit. Kung kaya, pinilipit nila ang Dallas Mavericks sa iskor na 118-108 sa Game 3 ng West Round 1.
Kumamada si Kawhi Leonard ng 36 points, 8 boards at 2 blocks. Habang nag-ambag naman si Paul George ng 29 points, 7 boards at 4 assists.
Nabalewala naman ang ginawang 44 points ni Luka Doncic sa Dallas. Gayundin ang 9 boards at 9 assists.
Lumamang ang Mavericks sa first quarter, 34-31.
Ngunit, rumatsada ang Clippers hanggang fourth quarter. Sa kabila ng pagtatangka ng Dallas na makahabol, may sagot dito ang Clippers.
Sa kabila ng panalo, lamang pa rin ang Dallas sa series na 2-1. Idaraos ang Game 4 sa home court pa rin ng Mavericks.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo