Pumalag pa ang Los Angeles Clippers sa crucial na lagay nila sa kontensyon sa Western Conference Finals. Pinagdilim ng Clippers ang Suns sa Game 5 sa iskor na 116-102.
Kaya naman, buhay pa ang pag-asa ng Clippers sa series na itinarak sa 2-3. Nanguna sa panalo ng Clippers si Paul George. Nagtala si George ng 41 points, 13 boards at 6 assists.
Nag-ambag naman si Reggie Jackson ng 23 points, 5 boards at 3 assists. Habang si Markieff Morris ay bumira ng 22 points, 3 boards at 3 assists.
Sa panig naman ng Suns, kumana si Devin Booker ng 31 points, 4 boards at 3 assists. Bumuslo naman si Chris Paul ng 22 points, 8 assists at 3 boards.
Malaki ang naging epekto ng kanilang maalat na opensa sa Phoenix. Lalo na ng 2 key players na sina Booker at Paul. Nabantayan naman ng husto si Deandre Ayton. Pumilay din sa Suns ang kanilang 14 turnovers.
Pero, buwenas naman si George sa opensa. Naging dikit lang ang laban sa first half. Subalit, rumatsada ang Clippers at tinambakan ang Suns ng 13 points sa third, 91-78.
Pero, nahabol ito ng Suns at naibaba sa 4, 98-94. pero, muling bumalikwas ang Clippers. Nag-iwan sila ng 14 point lead sa katapusan ng regulation.
Idaraos ang Game 6 sa Staples Center ng 9:00 PM ET sa Miyerkules ( Huwebes/ Manila time).
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2