Nakaresbak ang Los Angeles Clippers ang Phoenix Suns sa Game ng Western Conference Finals. Pinilipit ng Clippers ang Suns sa iskor na 106-92.
Kaya naman, rekta na sa 1-2 sa best-of-seven series ang Clippers. HIndi umubra ang tikas ng Suns kahit nagbalik na sa laro si Chris Paul.
Nanguna si Paul George sa opensa ng Clippers sa pagtala ng 27 points, 15 boards at 8 assists. Nag-ambag aman si Reggie Jackson ng 23 points.
Si Ivica Zubac naman ay bumira ng 15 points at 16 boards. Habang si Terance Mann ay nagtapos sa 12 points.
Rumatsada agad ng lamang ang Clippers sa umpisa ng regulation. Tinambakan nila ang Suns ng 18 point. Pero, nahabol ito ay naibaba sa 6 point. Pero, muling bumira ang Clippers upang di sila masilat sa laro.
“They outplayed us tonight. You could tell they had a lot more energy,” ani Chris Paul sa pagkatalo ng Suns.
“Team is resilient and we always believe.We never give in and never say die. We never really have doubt,” ani Reggie Jackson.
Sa Phoenix naman, 5 players ang mayroong double digits. Nanguna rito si Deandre Ayton na may 18 points at 12 boards.
Ang Game 4 naman ay idaraos sa Sabado ( Linggo/ Manila time) sa Staples Center ng alas 6:00 ng gabi roon.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2