Abanse na ang Los Angeles Clippers sa 3-2 series lead kontra Utah Jazz. Pinatid ng Clippers ang ritmo ng Jazz sa Game 5 ng West semifinals, 119-111.
Bagama’t wala si Kawhi Leonard dahil sa injury, nag-adjust ang bataan ni Tyron Lue sa laro. Binuhat ni Paul George ang Clippers sa paglista ng 37 points, 16 boards at 5 assists.
Tumulong naman si Markieff Morris sa pagbuslo ng 25 points, 2 boards at 2 assists. Si Reggie Jackson naman ay nagtala ng 22 points, 3 assists at 2 rebounds.
Sa panig naman ng Jazz, gumawa si Bojan Bogdanovic ng 32 points at 5 boards. Habang si Donovan Mitchell naman ay gumawa ng 21 points, 5 boards at 5 assists.
Dahil lamang na sa serye, sisikapin ng Clippers na taousin ang serye sa Game 5 sa Staples Center sa Sabado.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!