SOBRA ang pagkadismaya ni Retired Philippine Air Force (PAF) General Romeo Poquiz sa mga naging pahayag ni Sen. Loren Legarda na pabor sa CPP-NPA-NDF na maituturing na kalaban ng estado.
Matatandaan na isang reservist si Legarda sa PAF na mayroong ranggo na Colonel kaya’t hindi maitago ni Poquiz ang kanyang pangigigil sa mga sinambit na salita ni Legarda.
Ayon sa kanya ay ang mga regular na sundalo ay agad na mapaparusahan at matatanggal sa kanilang posisyon kapag sila ay pumabor sa mga kalaban ng estado.
“If a soldier, whether a private or a general, betrays his sworn duty to protect the state against its enemies, or gives aid and comfort to the enemy, that soldier is immeditely sanctioned. He is investigated, court martialed, discharged dishonorably, and even shot to death in times of war.” ani Poquiz.
Kaya naman pinaalala ng retiradong heneral sa mga reservist katulad ni Legarda na dapat ay ganon din ang kanilang pagrespeto sa uniporme na ibinigay sa kanila.
Maari rin diumanong ikonsidera na ‘treason’ o pagtataksil sa bayan ang sinabi ni Legarda.
“Aside from treason, she will be charged as an opportunist who merely joined the military service purely out of convenience, if not sinister ends.” aniya.
Inaasahan naman ni Poquiz na gagamitin ni Legarda ang parliamentary immunity niya para maprotektahan ang kanyang mga sinabi na pabor sa kalaban ng estado, ngunit hindi ito makakatakas sa kanyang responsibilidad bilang isang reservist.“One thing is certain. She may invoke her parliamentary immunity when she spoke those treasonous words in the Senate, but she cannot escape responsibility as a military officer- an Air Force at that!” aniya.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Legarda sa mga pambabatikos na kanyang natanggap.
Matatandaan na inamin ni Legarda na nakipagtrabaho siya sa NDF at pabor siya sa ilang paniniwala ng grupo.
“I have worked with the NDF and I’m not ashamed of it. I agreed with them on many subject matters that are close to our hearts,” ani Legarda.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE