
ISANG senior citizen ang namatay habang nilalapatan ng lunas matapos mabagok ang kaniyang ulo nang pagsusuntukin ng isang Barangay tanod sa Bugbog, Bucay, Abra.
Kinilala ang biktima na si Jacinto Tenebro habang ang suspek naman ay si Ronald, Tagura, 40-anyos.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon umano ng alitan ang dalawa habang sila ay nag-iinuman.
Ang alitan ng dalawa ay hinggil umano sa pangungutang ng suspek kung saan ang bangayan ay nauwi sa panununtok kung saan dito na natumba ang biktima.
Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima, nang matumba si Tenebro ay nabagok umano ang kaniyang ulo.
Bagaman humingi ng tawad ang suspek sa nagawa nito ay desidido parin ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa kaniya.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang death certificate ng biktima upang malaman ang dahilan ng pagkasawi nito.
More Stories
VP SARA, HARRY ROQUE, ROBIN PADILLA DUMATING SA ICC
BALLOT PRINTING POSIBLENG MATAPOS NGAYONG MARSO 15 —COMELEC
Vlogger at trolls na nagpapakalat ng fake news hahabulin ng NBI… ROQUE KAKASUHAN MATAPOS MANAWAGAN NG ‘PEOPLE POWER’