
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng 67-anyos na lolo na wanted sa kasong incestuous rape sa Lungsod ng Valenzuela nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa lalawigan ng Batangas.
Batay sa report, nakatanggap ang mga tauhan ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ng akusadong si “Lolo Popoy”, sa Batangas.
Ayon kay Col. Arnedo, ang akusado kapwa nakatala bilang No. 5 Top Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) at Valenzuela City Police Station.
Dakong alas-3:10 ng hapon nang makorner ng pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section ng Valenzuela CPS ang akusado sa kanyang tinutuluyang bahay sa Ayala Street, San Pascual, Batangas.
Hindi naman umano pumalag ang akusado nang bitbitin siya ng mga tauhan ni Col. Arnedo sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Incestuous Rape in relation to R.A. 7610 na inisyu ng Valenzuela City Family Court Branch 16, noong March 14, 2025 na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela CPS sa kanilang matagumpay na operasyon.
“The Northern Police District remains committed to pursuing fugitives and bringing justice to victims through relentless and coordinated law enforcement operations,” aniya.
More Stories
Impeachment Hindi Dapat Ginagawang Opsyonal
Bigas Bagsak Presyo! P20 Kada Kilo Lumalawak na — PSA
UP Law Profs sa Senado: Impeachment ni VP Sara Ituloy