April 2, 2025

Lolo, kulong sa sexual assault

BINITBIT sa selda ang isang isang lolo na akusado sa kaso ng sexual assault nang matiklo sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang pagtugis sa 65-anyos na lolo na kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Person sa lungsod.

Dakong alas-2:50 ng hapon nang matiyempuhan ng tumutugis na mga tauhan ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang akusado sa Barangay 176-E, Bagong Silang, Caloocan City.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa sexual assault (RPC Art. 266-A) in relation to Section 5(B) of R.A. 7610, as amended by R.A. 11648 na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 1, noong March 21, 2025.

Ani Col. Canals, may inirekomenda namang piyansa ang korte na P180,000.00 para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakapiit ngayon sa IDMS-WSS ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Pinuri naman ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Caloocan police sa kanilang dedikasyon at walang sawang pagsisikap sa pagtunton at pagdakip sa suspek na ito kung saan muli niyang pinagtibay ang hindi natitinag na pangako ng NPD na tiyakin ang hustisya at seguridad para sa publiko.