December 29, 2024

LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK

PATAY ang isang 78-anyos na lolo matapos magpaputok ng sinturon ni Hudas.

Ayon sa Department of Health (DOH) na-admit ang nasawing senior citizen sa ospital noong Disyembre 22 na sinasabing nagsindi ng naturang paputok. Binawian siya ng buhay nitong Disyembre 27.

“Mayroon tayong first reported death, isang 78 years old na lolo na gumamit ng Judas’ Belt. Hindi siya iligal na fireworks,” sambit ni Health Assistant Secretary at Spokesperson Albert Domingo.

Domingo said the deceased patient was admitted December 22 and was confirmed to be the one who lighted up the firecrackers. He died on Friday, December 27.

Bukod sa naturang senior citizen, pasok din sa talaan ng mga biktima ng paputok ang 124 pang iba, batay sa rekord ng 62 sentinel sites na binabantayan ng kagawaran.

Sa naturang bilang ng mga biktima, 102 ang edad 19 pababa habang 23 katao naman 20 anyos pataas.

Pagdating sa kasarian, 114 ay mga lalaki, habang 11 ang babae.

Ayon sa DOH, 91 kaso (katumbas ng 73 percent) ay sanhi ng iligal na paputok tulad ng boga, 5-star at piccolo kung saan 75 (katumbas ng 60 percent) sa mga biktima ang mismong gumamit ng paputok.

Paglilinaw ni Domingo, delikado lahat ng klase ng paputok – legal man o ilegal alinsunod sa Republic Act 7183 (Firecracker Prohibition Act).

“Kahit legal ang fireworks, delikado pa rin. Bomba pa rin yan. Sumasabog. Nakamamatay. Iwas paputok na po tayo para sa ating buhay,” wika ni Domingo. Panawagan ng DOH sa publiko, gumamit na lang ng alternatibong pampaingay tulad ng torotot.