NASAKOTE ang apat na babaeng sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga kabilang ang isang lola sa isinagawang buiy-bust operation ng mga pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-2:30 ng Martes ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguilla ang buy-bust operation sa Martiniko St. Brgy. Longos ng lungsod kontra kay Nilda Lelis, 67, at Jennifer Gullepa, 43, kapwa ng Brgy. NBBS, Navotas City.
Nang tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinakma ng mga operatiba.
Nakumpiska mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng shabu na may standard drug price na P340,000 ang halaga at buy-bust money.
Bandang alas-11:30 naman ng gabi nang unang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna din ni PLT Aguilla sa buy-bust operation sa Bagong Lote St. Brgy. Potrero si Josephine Tagudin, 36, ng Brgy. Bato-Bato Quezon city at Jeanette Atenia, 58, ng Brgy. Real 2, Bacoor Cavite matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 markadong salapi.
Narekober sa mga suspek ang aabot sa 36.7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P249,560 ang halaga at P500 buy-bust money.
Kakasuhan ng pulisya ang mga naarestong suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng Malabon City.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA