Pang Guiness Book of Word of Records ang edad ni lola Francisca M. Susano ng Kabankalan City, Negros Occidental. Papaano ba naman kasi, nagdiwang siya ng kanyang ika-124 taong kaarawan noong September 11. Batay sa datus, isinilang siya noong taong 1897. Sa Kabankalan siya ipinanganak. NGunit, naninirahan ngayon sa Puerto Princesa sa Palawan.
Ipinagdiwang ng kanyang mga anak at apo ang kanyang birthday. Maasabing siya na ang oldest person sa Pilipinas dahil sa kanyang edad. Kahit ganun, kaya pa niyang tumugtog ng silindro.
Maaaring siya na rin ang pinakamatandang tao na nabubuhay ngayon sa mundo. Ito’y matapos pumanaw ang may record sa edad na 122. Kaya, pwedeng ilatag ng kinauukulan na maipasok si lola Francisca sa Guinness.
More Stories
Emilio Jacinto, Utak ng Katipunan at Rebolusyon
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur