TIMBOG ang isang lola matapos mahulihan ng P1 milyong halaga ng hinihinalang droga sa Taguig nitong Biyernes.
Ayon sa pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Taguig police sa Brazil Street sa Barangay makaraang makatanggap ng tip tungkol sa illegal na gawain ng isang alyas ‘Madam’ na itinuturong tulak umano ng droga sa kanilang lugar.
Nadakip ang suspek matapos makipagtransaksyon sa isang pulis na nagpanggap na bibili ng droga.
Nasamsam sa 72-anyos na si alyas Madam ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Nakuha rin sa suspek ang isang baril at mga bala.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang supplier ng lola at kung sangkot ba siya sa ibang krimen lalo’t may baril at mga bala na nakuha dito. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA