December 24, 2024

Logo ng FIBA Basketball World Cup 2023, inilabas na

MIES (Switzerland) – Inilabas na ang opisyal na logo ng FIBA Basketball World Cup 2023. Ito’y bilang bahagi ng inilunsad na bagong #DontMissABeat campaign ng FIBA.

Ang concept ng bagong unveiled logo para sa World Cup 2023 ay kinapalolooban ng three key elements. Ito ay ang puso, ang Naismith Trophy at ang taong 2023.

Ang puso o heart ay sumasagisag sa passion for the game. Habang ang Naismith Trophy ay ang pangarap ng lahat ng kalahok na team sa torneo.

Ang ‘23’ ay kumakatawan sa taon. Kung saan magniningning ang three host countries. Kabilang ang Indonesia, Japan at Philippines.

Idaraos ang FIBA Basketball World Cup 2023 August 25 hanggang September 10, 2023. Tatlong siyudad ang magiging host ng event. Ito ay ang Manila, Okinawa at Jakarta.

We Filipinos are all proud to be a part of this important milestone in basketball, together with Japan and Indonesia,” saad Manuel V. Pangilinan, Chairman Emeritus, Samahang Basketbol Ng Pilipinas. Siya’y kabilang din sa FIBA Central Board Member.