
Naibenta sa halagang $2.8 milyon ang locker sa Staples Center ng namayapang NBA star Kobe Bryant.
Ayon s Sotheby Auction na hindi nila inaasahan na aabot sa ganung presyo ang nasabing locker dahil sa unang pagtantiiya nila ay nasa $1.2 milyon lamang.
Dagdag pa nila na ang bahagi ng napagbentahan ay kanilang ibibigay sa Los Angeles Lakers Youth Foundation bilang pagkilala sa manlalaro.
Magugunitang nasawi ang Lakers star matapos na bumagsak ang sinakyan nilang helicopter kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa.
Mula noong masawi ay tumaas ang presyo ng mga memorabilia ni Bryant na naibenta sa mga auctions. (RON TOLENTINO)
More Stories
CA JUSTICES NA DUTERTE APPOINTEES, BINAWI ANG ACQUITTAL NI DE LIMA
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Senior Citizens Party List, Nagpasalamat sa Malawak na Suporta ng mga Botante