Walang saysay para sa Kilusang Mayo Uno ang ipinatutupad na ‘lockdown’ ng gobyerno upang pigilan ang pagkalat ng coronovirus disease 2019 o COVID-19.
Ngayong araw ay nakapagtala tayo ng 18,332 na panibagong kaso ng COVID-19.
“Ang inaasahan natin by now ay mas maayos na ang handling sapagkat 17 months na tayong nasa lockdown,” ayon kay KMU chairperson Elmer Labog.
“Kamakailan pa ay sumailalim tayo sa 2-linggong ECQ at sana sa ngayon ay nakikita na natin ang ibinunga nito. Eh bakit parang ang itsura ay paakyat pa nang paakyat ang bilang ng mga kaso?” dagdag pa nito.
Ayon pa kay Labog, tila ang kasanayan na lamang ng gobyerno ay ang ianunsyo araw-araw ang bilang ng apektadong Filipino.
Saad pa nito, na ehemplo ito ng kabiguan ng administrasyong Duterte.
“The government must urgently strengthen the country’s health system. May pondo para rito, napatunayan nating lahat ito. Ang problema lang ay kung saan ginagamit ang pondo. Habang may surge ng cases, lalong kailangang maging agresibo ang testing at tracing at maagap at sistematiko ang pagbabakuna. Kailangang kailangan ding tugunan ang overcapacity ng mga ospital at ang overworked nating health workers,” pahayag pa ni Labog.
Hindi aniya na maaring magpatuloy ang palpak na tugon sa pandemya.
“Baka lang nakakalimutan ng mga nasa gobyerno, ito ho ay matter of life and death. Buhay ng mamamayang Pilipino ang nakasalalay dito. Napakatagal na naming nananawagan para sa solusyong medikal kasabay ng maagap na suporta sa kabuhayan. Pakinggan ninyo kami!” pagtatapos ni Labog.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA