Pinalawig hanggang September 30 ang umiiral na lockdown sa Philippine National Police Academy (PNPA) upang bigyang daan ang mga kadete at tauhan nito na tinamaan ng COVID-19.
“Sa ngayon naka-lockdown kami and we deemed it necessary to extend the lockdown up to Sept. 30 kasi nga nung Sept. 8 after the swabbing, cadets will undergo quarantine and isolation for 14 days and then plus seven days just to make sure na everybody‘s okay,” ayon kay PNPA director Major Gen. Gilberto Cruz sa ABS-CBN News Channel nang tanungin ang tungkol sa lockdown period ng academy.
“So we added another seven days, that’s the recommendation of our health doctor here. So Sept. 30, and then another swabbing gagawin namin for the whole personnel of PNPA,” dagdag ni Cruz.
Una rito, isinailalim sa lockdown ang PNPA sa Cavite mula Setyembre 3 hanggang 18 matapos magpositibo ang ilang kadete sa coronavirus disease.
Noong Lunes, ibinunyag ng PNPA na mayroon silang 243 na kaso ng respiratory disease sa kanilang akademya.
Ang PNA ang kasalukuyang mayroong limang gusali na ginawang isolation centers para sa mga kadete at tauhan na nahawaan ng COVID-19.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD