MALALA na ang topak sa utak ng mga isinusukang oposisyon na mga tinaguriang salot ng lipunan.
Wala nang pinalalampas na araw kahit na sa linggo ng pagtitika ng Sangkakristiyanismo o me okasyong personal ang kanilang target ay maninira’t -manggigiba sila nang walang habas makaepal lang at pagpyestahan ng biased mainstream media.
Partikular itong demonyong dating Senador Coup’al katuwang ang mga kasalot na mga yellowista at reddevils na walang ginawa sa panahon ng kanilang panunungkulan para sa bayan kundi ang balaking ibagsak ang administrasyong pumalit sa kanilang tronong pinagpasasaan sa mahabang panahon.
Pilit ang papansin ng trililing ang utak na kung mag-insulto sa pinuno ng bansa ay aakalaing napakatapang niya. Kundi pa sana bistado ang kanyang karuwagan nang magtangka ito ng kudeta laban sa gobyerno.
Astang patay kung patay nang magkubkob ito sa isang sikat na hotel pero nang makakita ng puwersa ng gobyerno, wala pang isang balang pumutok ay sumabog na ang kanyang panubigan ng nginig kaya taas agad ang kamay ng duwag na bluffer.
Laglag sa ere ang mga nauto niyang kamagdalo.
Ang baliw na kupal, ipapakulong daw ang nakaupong Pangulo pagkatapos ng termino at kakandidato pa ang hangal sa 2022- halisinasyon pala niya ang trono ng Presidente ng mamamayang sukang-suka sa kakapalan at kakupalan ng dating sundalong kanin.
Palakpakan naman ang mga magiging kaselda niya sa institusyon ng mga baliw puwera lang si peykbipi dahil aagawin pa nito ang basbas ng nagsanib kunong oposisyong WATAKBAYAN na raw ngayon.
Ang gigil ni kupal ay lalong nagiging hangal dahil ‘di na pinapatulan ng Pangulo ang kanyang paepal.
Alam kasi ng trililingkobid na malapit na niyang makasama ang kasalot niyang senador na dilimaw para i-lockdown na pareho ang kanilang bunganga at iba pang kasalot sa bayan ni Juan. ..humanda siya ke Saba dahil tiyak na papalipat siya sa karsel ng mga topak ang utak ‘pag di niya nasikmura ang dilimaw… ABANGAN!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA