January 23, 2025

LOCKDOWN PA MORE? OMG!

NAPAKADALI para sa ilang kinauukulan ang salitang lockdown na ang hayagang epekto ay pagsadsad uli ng kabuhayan ng tao.

Heto na naman sila at ibinabandera muli ang pagtaas ng bilang (daw) ng  mga tinatamaan ng Covid-19.

Isang taon nang bangungot sa mamamayan ang pinalutang nilang deadly na mikrobyo daw sa tao kung saan halos lahat na ng nagkakasakit ay idinedeklarang covid ng kapraningan.

Okey lang para sa mga health experts daw ang alarmahin ang bayan sa sakit at magrekomenda ng panibagong lockdown na tunay nang lulumpo sa kabuhayan habang sila ay kampante lang dahil maraming nakaimbak na pagkain at pambili kahit taon pa ang abutin.

Habang ang masa na walang magagawa kundi sumunod sa protocol ay ‘di sa covid mauutas kundi sa gutom gawa nang kapraningan sa ‘di raw nakikitang kalaban.

Mistulang ayaw nang bumalik sa dating normal ang pamumuhay lalo iyong mga nakikinabang sa masamang kalagayan dulot ng pesteng virus daw  na kumikitil ng  buhay sa sanlibutan.

‘Di lubos-maisip ng korner na ito na umabot sa estadong  nandidiri ang tao sa tao na mistulang mikrobyo na bawat isa ang nilikha ng Maykapal sa kanyang wangis na kagagawan ng mga lagpas ang utak na alagad ng siyensiya.

Habang hilahod si Juan sa ipinapatupad (o ipapatupad) na lockdown ay mayroon namang nagkakamal ng bilyong salapi dulot ng krisis daw. Sila ‘yung mga quarantine maniac na gusto ay mataas lagi ang hawaan kuno para tuloy ang ligaya.

Ang katotohanan, may kinauukulan na gusto nang matapos ang krisis pero merong ayaw matapos ang kapraningan hangga’t ‘di sila bumubundat ang tiyan diyan. Piso-pisong tubuan na lang sa health protocol na mask, shield,  alcohol at iba pa eh daang milyong tubo ang ganansya na sa pantasya lang malilimian. Bukod pa sa kamal ng mga hospital.

Manalig na lang tayo sa Maykapal na Siya na mismo ang tatapos ng krisis-mundiyal na planado ng mga pandemonyo! AMEN!