Dahil loaded na sa palabas ang primetime ng TV5, nalalagay sa alanganin ang pagsasa-ere ng PBA. Lalo na’t full blast ang primetime shows ng Kapatid Network mula Lunes hanggang Biyernes.
Anong oras aniya ipalalabas at anong araw? Ayon sa isang insider, wala namang problema yan.
“Wala namang conflict yun ‘e. Inaayos na ‘yan. Kung walang slot sa TV5, meron naman sa One Sports,” ayon sa source.
“Total, nasa One Sports nang lahat yung sports shows ng Kapatid network, maaaring dun na rin ang PBA. Gayun din sa Cignal TV.”
Nag-aalala ang PBA fans dahil baka mawalan ng puwesto ang PBA sa TV5. Ito’y dahil sa nag-integrate na ang palabas ng Kapatid at ng ilang shows ng ABS-CBN.Kabilang na rito ang “Ang Probinsiyano”, Pinoy Big Brother” at ASAP Live.
“Madali lang naman yan solusyunan. Yung fans, kung saan ipalalabas yung PBA, nandun ‘yun. Manonood sila.
“Pwede yung laro sa hapon, ipalabas sa TV5. ‘Yung second game, sa One Sports. Abangan n’yo na lang kapag nagbukas na ang 46th season,’ sabi pa ng source via phone interview.
Bukod sa PBA, inayos na rin ng Premier Volleyball League (PVL) ang telecast ng laro nito. Katunayan, nagkasundo ang Cignal TV at PVL sa 3-year partnership. Ipalalabas sa One Sports ang live games ng liga. Samantalang sa CIgnal ay ang high definition habang naka-streaming sa OTT platform nito na Cignal Play.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!