
Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang manhunt at hot pursuit operation ng mga tauhan ng Lopez Municipal Police Station sa tatlong salarin na pumaslang sa mag live-in partner habang natutulog sa loob ng kanilang bahay na natagpuan nuon umaga ng Sabado December 28, 2024 sa Brgy. Calantipayan ng Lopez, Quezon.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Armando Lapuz, 51, at si Nelia Leona, 71, mga residente sa kaparehong lugar.
Ayon sa report ng pulisya personal na inireport ni Barangay Kagawad Eduardo Dumaguin ang insidente matapos umanong madiskubre ni Ronalyn Condez na pamangkin ng isa sa mga biktima ang krimen kaya’t agad nagresponde ang mga otoridad at inabotan ang mga biktima na naliligo sa kanilang sariling mga dugo at may tama ng mga bala sa iba’t ibang parte ng kanilang mga katawan.
Nabatid na ang kanilang kapitbahay na si alyas “Danny” at dalawa pang hindi kilalang salarin ang responsable krimen subalit blangko pa sa motibo ang mga otoridad sa nangyaring pamamaslang. (Erichh Abrenica)
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification