MARIING kinokondena ni Senator Lito Lapid ang pagsabog sa isang misa sa loob mismo ng gymnasium ng paaralan ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City na nagdulot ng pagkasawi ng apat na katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Ayon sa senador, walang puwang ang ganitong bayolenteng pagkitil sa buhay at pagkasugat ng ating mga kababayan, lalo na ang mga estudyante.
Hinihiling din nito sa PNP, AFP, NBI at iba pang law enforcement agencies na magtulungan at magkooperasyon sa pag-sisiyasat sa puno’t dulo ng malagim na insidente.
“Nararapat lang na mahuli at mapanagot sa ating batas ang mga responsable sa karumal-dumal na terrorist act na ito,” ayon kay Lapid. “Umaapela po tayo na maging mahinahon at kalmado ang ating mga kapatid na Muslim at mga Kristiyano sa Mindanao para maiwasan ang paglala pa ng sitwasyon sa rehiyon,” dagdag pa nito.
Nagpaabot din ng taus-pusong pakikiramay ang senador sa mga naulila ng mga nasawi sa nasabing pambobomba sa MSU.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA