
Inilabas na ang listahan ng mga Artists na nominado sa 2023 Grammy Awards.
Nanguna ang popstar na si Beyoncé na may siyam na Nominations kabilang ang Record Of The Year at Song Of The Year Award para sa bago niyang hit song na “Break My Soul”.
Nominado rin ang kanyang “Renaissance” album para sa Album Of The Year at Best Dance Album.
Samantala, may walong nominations naman ang American Rapper na si Kendrick Lamar kabilang ang Record Of The Year at Song Of The Year para sa kantang “The Heart Part 5”.
May Pitong Nominations si Adele para sa kanyang kantang “Easy On Me”, habang may Pitong Nominations din si Brandi Carlile, at anim kina Harry Styles, Mary J. Blige, Dj Khaled, at Future.
Muli namang gumawa ng kasaysayan ang Kpop Sensation na BTS na may dalawang Grammy Nominations, kabilang ang Best Music Video Nomination para sa kantang “Yet To Come”, at Best Pop Performance para sa collaboration song na “My Universe” kasama ang Coldplay.
Gaganapin ang 65th Grammy Awards sa Los Angeles Usa sa February. 5, 2023.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)