TULUYAN nang binawi ng Philippine National Police ang licensed to own and possess firearms ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos na aprubahan at lagdaan na ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang naging rekomendasyon ng PNP Firearms and Explosives Office na i-revoke ang lisensya sa pagmamay-ari ng mga armas ng akusadong Pastor.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, mabusisi ang ginawang pagsusuri ng mga legal team ng Office of the Chief PNP sa naturang rekomendasyon.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng iba pang detalye ang PNP hinggil sa naging mga basehan nito para sa pag-apruba sa revocation ng lisensya sa armas ni Quiboloy.
Ngunit gayunpaman ay una nang sinabi ni Fajardo na agad itong ipatutupad ng FEO ang naturang kautusan at bibigyan ang Pastor ng pagkakataon na kusang isuko ang kaniyang mga armas sapagkat itinuturing na kasi aniya itong loose firearms ngayong tuluyan nang binawi ang kaniyang LTOPF.
Kung maaalala, una na ring napaulat na mayroong kabuuang 19 na mga armas ang nakarehistro sa ilalim ng pangalan ni Pastor Quiboloy kung saan ang lahat ng ito saklaw ng kaniyang binawing mga lisensya.
Matatandaan na si Quibuloy ay nahaharap sa kasong sexual abuse at human trafficking at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad dahil sa pagiging pugante.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA