November 3, 2024

LIQUOR BAN SA NAVOTAS, TINANGGAL NA

Kasunod ng pagbaba ng Metro Manila sa Alert Level 3, inalis na rin ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang liquor ban sa lungsod.

Pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Navotas na nagpapawalang-bisa sa liquor ban sa lungsod.

Ito’y kaugnay na din aniya ng pagbaba ng active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Pero paalala ni Mayor Tiangco, mananatiling bawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar base sa Municipal Ordinance 2002-06. Kabilang dito ang mga daanan at bangketa.

Gayunman, pwedeng magbenta, bumili, o uminom ng alak sa inyong bahay o sa mga establisimyentong authorized na magserve ng alak.

Paalala pa niya, manatiling mag-ingat para tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso pati na ang pagluwag pa ng mga restrictions.