Nagpasa ng City Ordinance No. 2021-18 ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas na muling ipinagbabawal ang alak at pagbebenta ng alak at mga inuming nakalalasing sa lungsod.
Labag din sa batas ang pagdala ng alak, pag-inom ng naturang inumin at gumala ng lasing sa anumang mga pampublikong lugar sa lungsod.
“Safety protocols such as wearing of mask, non-sharing of food, glass or utensils, and social distancing are usually overlooked during drinking sessions,” ani Mayor Toby Tiangco.
“People also have this false sense of security that their drinking buddies–family members, friends or neighbors who seem healthy–do not carry the virus. But most of our patients are asymptomatic or do not show symptoms that is why it is easy for them to transmit the virus to others without their knowing,” paliwanag niya.
Sinabi ni Tiangco na naitala ng lungsod ang biglang pagtaas ng kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 sa nagdaang apat na lingo.
“Our City Epidemiology and Surveillance Unit recorded 693 cases and established that there is clustering in some areas, and this has forced us to implement granular lockdowns. This is also why we are instituting additional safety measures to prevent further spread of the virus,” aniya.
Nauna rito, nagpasa ang Navotas ng isang ordinansa na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test bilang parusa sa lalabag sa mga safety protocol kabilang ang curfew, suot na face mask, at social distancing.
Ang mga lalabag sa liquor ban ay pagmumultahin ng P1,000-P5,000 o 1-10 araw na pagkakabilanggo. (JUVY LUCERO)
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?