May 12, 2025

LIQUOR BAN EPEKTIBO NGAYONG ARAW

Magkakabisa na ang liquor ban ng Commission on Elections (Comelec) simula ngayong Mayo 11, isang araw bago ang inaabangang 2025 midterm elections. Ayon sa Comelec Resolution No. 10999, ipinagbabawal ang “pagbili, pagbebenta, pag-aalok, pag-inom, at paghahain ng nakalalasing na inumin,” maliban na lamang sa mga hotel at iba pang mga establisimyento na may pahintulot mula sa Department of Tourism na magsilbi sa mga banyagang turista.

“Liquor drinkers, take a break … Mas mainam na hindi tayo lasing kapag bumoto. Ayaw natin ng mga amoy alak sa mga polling places, para makapag-focus tayo sa tamang pagpili ng mga lider,” ani Comelec Chairman George Garcia sa isang panayam nitong Sabado.

Bukod sa liquor ban, nagbigay babala ang Comelec sa mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na ipinagbabawal din ang pangangampanya mula Mayo 11 hanggang Mayo 12. Kasama rito ang pagbubura ng mga campaign materials at pagsusuot ng campaign shirts sa araw ng eleksyon.

Tiniyak ng Comelec na mahigpit na ipatutupad ang mga regulasyong ito upang matiyak ang kaayusan at integridad ng halalan.